
Sa 'yo Mahal na Birhen ng Edsa,
hiling nami'y kapayapaan.
Dalhin mo kami kay Hesus
na Siyang aming kaligtasan.
Mula sa gapos ng kaapihan
kami'y hinango mo't iniligtas.
Walang dugo, walang dahas,
kundi dasal at pag-ibig lamang.
Sa Rosaryo mo, Mahal na Birhen,
nagkaisa kami sa Edsa.
Sa Eukaristiya ng 'yong Anak,
nagkabuklod kami't nagkaisa.
Huwag mo kaming iiwanan,
dini sa aming paglalakbay
hanggang kami'y makarating
sa langit na aming bayan.
0 comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.