Thursday, February 2, 2017

CARDINAL TAGLE’S STATEMENT (INVITATION) ON DEATH PENALTY






An Invitation to Reflect, Pray and Act
To the Catholic Faithful in the Archdiocese of Manila(comprising the cities of Manila, Makati, Mandaluyong, Pasay, and San Juan)


My dear sisters and brothers in Jesus Christ,


Peace be with you! Once again the issue of capital punishment or the death penalty has surfaced in
our country. Through the centuries there have existed differing opinions on the authority of the state to administer the death penalty for heinous crimes. In these past years many nations have abandoned the use of the death penalty, including the Philippines. They try instead to find other means to suppress crimes while giving offenders the chance to reform. I would like to share some reasons why recent Catholic teaching opposes the death penalty. I invite you to study and reflect on them as guides for prayer and action.
1. Studies worldwide show that the death penalty has not lessened violent crimes. The threat
of punishment by death has not reduced criminality. The best approach is to address positively and comprehensively the roots of crime of which offenders have probably been victims themselves: the loss of moral values, injustice, inequality, poverty, lack of access to food, education, jobs and housing, proliferation of weapons, drugs, pornography, loss of respect for sexuality, and many others. The death penalty has not reduced crime because it does not solve criminality from its roots. To help solve these roots of criminality, the Church and the state need to protect and strengthen the basic unit of society, which is the family.
2. There is a danger that the death penalty might legitimize the use of violence to deal with e
very wrongdoing. We affirm that victims of crimes need justice and healing. An honest and upright judicial and penal system assures the victims and society of protection and renewal. There is real danger that the death penalty might be applied to an innocent person. We need to reform institutions so they would safeguard justice while preventing the spread of a culture of violence. Penalties are not imposed for vengeance but for the correction of offenders and the good of society. A culture of violence dehumanizes. A culture of justice, integrity, and hope heals. 
3. As Christians we believe that human life is God´s gift. Every human being is created in
God´s image and likeness. Every human being is saved by Jesus Christ. This is the reason for forgiveness, hope and salvation. This is the reason why an ethic of life, a culture of life, is inconsistent with abortion, euthanasia, human trafficking, mutilation, and violence against innocent and vulnerable persons. Before God the source of life, we are humble. We cannot pretend to be gods.

I offer these thoughts for your serene study and prayer. If you share these convictions, you should
make them known to your elected representatives. I commend you, our Archdiocese, and our beloved country to God who sent Jesus to the world “not to condemn the world but so that the world might be saved through him” (John 3:17). We rely on the prayers and protection of Our Mother Mary, our life, our sweetness, and our hope.



(signed)
+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
2 February 2017, Feast of the Presentation of the Lord in the Temple





Isang Paanyayang Magnilay, Manalangin at Kumilos
Para sa mga Katolikong Mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila
(na binubuo ng mga lungsod ng Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasay, and San Juan)


Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, Sumainyo ang kapayapaan! Muli na namang hinaharap ng ating bansa ang isyu ng parusang kamatayan. Sa loob ng maraming daang-taon, iba’t iba ang naging mga paniniwala at paninindigan ukol sa kapangyarihan ng estado na ipataw ang parusang kamatayan sa mga nakamumuhing krimen. Sa mga nakaraang taon, maraming mga bansa na ang huminto sa pagpataw ng parusang kamatayan, kabilang ang Pilipinas. Sinikap nilang humanap ng ibang paraan upang supilin ang krimen habang binibigyan ng pagkakataong magbago ang mga nagkasala. Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang mga dahilan kung bakit tumututol sa parusang kamatayn ang turo ng Simbahang Katolika sa kasalukuyang panahon. Inaanyayahan ko kayong pag-aralan at pagnilayan ang mga ito bilang gabay sa panalangin at pagkilos.


1. Maraming pag-aaral sa buong mundo ang nagsasaad na hindi nasusugpo ng parusang kamatayan ang mga marahas na krimen. Hindi naman talaga tahasang napipigil ang krimen ng takot sa parusang kamatayan. Ang pinakamabisang paraan ay tugunan sa positibo at komprehensibong pamamaraan ang mga ugat ng krimen: ang kawalang ng pagpapahalagang pagmoral, kawalang katarungan, kawalan ng pagkakapantay-pantay, kahirapan, kakulangan sa pagkain, edukasyon, trabaho at pabahay, ang pamamayagpag ng mga sandata, droga, pornography, kawalan ng paggalang sa seksualidad, at marami pang iba. Marahil biktima rin ng mga ugat na ito ang mga nakagawa ng krimen. Hindi nalulunasan ng parusang kamatayan ang mga krimen sapagkat hindi nito nalulutas ang mga ugat ng krimen. Upang malutas ang mga ugat ng krimen, kailangang pangalagaan at pagtibayin ng Simbahan at ng estado ang pangunahing yunit ng lipunan, ang pamilya.

2. Sa pagsulong sa parusang kamatayan, may panganib na maging katanggap-tanggap ang karahasan bilang tugon sa bawat kasalanan. Marapat at tunay ngang kailangan ng katarungan at paghihilom ng mga biktima ng krimen. Titiyakin ng isang matapat at matuwid na sistemang pang-hukuman at pang-penal na ang biktima at lipunan ay magbigyan ng pagpapanibago at kaligtasan. May malaking panganib na ang parusang kamatayan ay maipataw sa isang inosenteng tao. Kailangan nating panibaguhin ang mga institusyon at sangay ng pamahalaan upang mapangalagaan ang katarungan habang naiiwasan ang paglago ng kultura ng karahasan. Hindi layunin ng parusa ang paghihiganti bagkus ang pagtutuwid sa mga nagkamali at ang ikabubuti ng lipunan. Nanghahamak ng pagkatao ang kultura ng karahasan. Humihilom naman ang kultura ng katarungan, katuwiran, at pag-asa.

3. Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayo na ang buhay ng tao ay kaloob mula sa Diyos. Ang bawat tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang bawat tao ay tinubos ng dugo ni Kristo. Ito ang mga batayang dahilan ng pagpapatawad, pag-asa at kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit ang paninindigan sa buhay, ang kultura ng buhay, ay taliwas sa abortion, euthanasia, human trafficking, mutilation, at karahasan laban sa mga mahihina at inosenteng tao. Sa harap ng Diyos ang bukal ng buhay, ang tanging nararapat na tugon natin ay pagpapakumbaba. Hindi tayo maaaring magyabang at magpanggap na diyos.


Ihinahain ko ang mga pagninilay na ito para sa inyong pag-aaral at panalangin. Kung ito rin ang inyong pinaninindigan at pinaniniwalaan, ipaalam ninyo ito sa inyong mga kinatawan sa Kongreso.

Ipinagkakatiwala ko kayo, ang ating Arkidiyosesis, at ang ating minamahal na bayan sa ating Panginoong Diyos na nagsugo kay Hesus sa mundo “hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya” (Juan 3:17). Umaasa tayo sa panalangin at maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria, ang ating buhay, katamisan, at pag-asa.




(signed)
+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Arsobispo ng Maynila
Ika-2 ng Pebrero 2017, Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo



http://rcam.org/news/1933-cardinal-tagles-statement-invitation-on-death-penalty

Share:

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Sitemap