Siyam Na Kulay Ng Kapayapaan
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
O HESUS, (white)
Kahanga-hangang Tagapayo.
Makapangyarihang Diyos.
Banal na Walang Hanggan.
Prinsipe ng Kapayapaan.
Kapayapaang Iyong bigay,
sa kapwa at sa mundo’y aking alay.
Lider: Kapayapaan... Banal na Liwanag (orange)
Nagbibigay-daan sa isang bagong sangnilikha...
sa isang bagong buhay.
Tugon: Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
Bigyan mo O Diyos, ng bagong damdamin.
Lider: Kapayapaan... Pag-ibig na Walang Hangganan. (gold)
Tatapos sa paglalaban-laban at digmaan,
at magtuturo ng pagdadamayan. (tugon)
Lider: Kapayapaan... Pagtitiwala sa Diyos hindi sa kayamanan. (turquoise)
Papawi sa kasakiman at kayabangan
upang yakapin ang isang payak na buhay.(tugon)
Aba, Ginoong Maria...
O Maria, Reyna ng Kapayapaan,
Ipanalangin mo kami.
O HESUS... (white)
Kapayapaan... Buhay na Pananampalataya. (yellow)
Buhay ng isang tunay na dukha –
tapat... totoo... mapagkakatiwalaan.(tugon)
Kapayapaan... may Kababaang-loob na Paglilingkod. (pink)
Laang mag-alay ng buhay para sa kapwa. (tugon)
Kapayapaan... Katarungan... Pagpapatawad. (green)
Susupil sa galit at pagmamataas
na magbibigay-daan sa pagbabalik- loob. (tugon)
Aba, Ginoong Maria...
O Maria, Reyna ng Kapayapaan,
Ipanalangin mo kami.
O HESUS... (white)
Kapayapaan... Pag-asa sa Mabuting Balita. (red)
“Panginoon, kanino kami pupunta?
Nasa Iyo ang mga salitang nagbibgay
ng buhay na walang hanggan.” (tugon)
Kapayapaan... Pagkakaisang mula sa Banal na Santatlo. (lilac)
“Ama, kung paanong Ikaw ay nasa Akin
at Ako’y nasa Iyo,
gayun din naman, maging isa nawa sila sa atin.” (tugon)
Kapayapaan... Isang Handog... isang Misyon. (blue)
“Sumainyo ang Kapayapaan.
Kung paanong sinugo Ako ng Ama,
sinusugo ko kayo.” (tugon)
Aba, Ginoong Maria...
O Maria, Reyna ng Kapayapaan,
Ipanalangin mo kami.
O HESUS,
turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.
0 comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.