Friday, October 14, 2016

NOBENA KAY MARIA, REYNA NG KAPAYAPAAN

,
BIRHEN NG EDSA


Sa ‘yo Mahal na Birhen ng Edsa,
hiling nami’y kapayapaan.
Dalhin mo kami kay Hesus
na Siyang aming kaligtasan.
Mula sa gapos ng kaapihan
kami’y hinango mo’t iniligtas.
Walang dugo, walang dahas,
kundi dasal at pag-ibig lamang.



Sa Rosaryo mo, Mahal na Birhen,
nagkaisa kami sa Edsa.
Sa Eukaristiya ng ‘yong Anak,
nagkabuklod kami’t nagkaisa.
Huwag mo kaming iiwanan,
dini sa aming paglalakbay
hanggang kami’y makarating
sa langit na aming bayan.



MAGSIUPO PO TAYO.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



Salmo 85



Ant. 1:  (Lahat) Panginoon, pinasagana mo’t pinaunlad ang Iyong bayan;
Pinatawad mo sa nagawa nilang mga kasalanan.



(Kanan) Ikaw po, O Diyos, naging mapagbigay sa Iyong lupain,
Pinasagana mo’t muling pinaunlad ang bayan mong giliw.
Yaong kasamaan ng mga anak mo’y nilimot mong tunay,
Pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan.



(Kaliwa) Ang taglay mong poot sa ginawa nila’y iyo nang inalis,
Tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.
Panumbalikin mo kami, Diyos ng aming kaligtasan,
Ang pagkamuhi sa amin ay iyo nang wakasan.



(Kanan) Ibangon mo kami, sana’y ibalik mo ang nawalang lakas,
At kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
Kaya ngayon, O Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas,
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.



(Kaliwa) Aking naririnig mga pahayag na sa Diyos nagmula;
Sinasabi niyang ang mga lingkod niya’y magiging payapa,
Kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama.



(Kanan) Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
Sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.



(Kaliwa) Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad,
Ang kapayapaan at katuwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y sadyang maghahari itong katapatan,
Mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan.



(Kanan) Gagawing maunlad ng Diyos itong ating buhay,
Ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
Ang katarunga’y mauuna sa kanyang daraanan,
Kanyang mga yapak, magiging bakas na kanilang susundan.



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 1:  (Lahat) Panginoon, pinasagana mo’t pinaunlad ang Iyong bayan;
Pinatawad mo sa nagawa nilang mga kasalanan.



Salmo 86



Ant. 2:  (Lahat) O Panginoon, ako’y iyong kalingain,
Sa iyong pag-ibig, ako’y iyong dinggin.



(Kaliwa) Sa aking dalangin, ako’y iyong dinggin,
Tugunin mo, O Diyos, ang aking pagdaing;
Ako’y mahina na’t wala nang tumingin.



(Kanan) Pagkat tapat sa iyo, buhay ko’y ingatan,
Lingkod mo’y iligtas sa kapahamakan
Pagkat may tiwala sa iyo kailanman.



(Kaliwa) Ikaw ang aking Diyos, ako’y kahabagan,
Sa buong maghapo’y siyang tinatawagan.
Panginoon, lingkod mo’y dulutan ng galak,
Pagkat sa iyo, kaluluwa’y tumatawag.



(Kanan) Mapagpatawad ka at napakabuti;
Sa dumadalangin at sa nagsisisi,
Ang iyong pag-ibig ay mananatili.



(Kaliwa) Pakinggan mo, O Diyos, ang aking dalangin,
Tulungan mo na po, ako’y iyong dinggin.
Dumaraing ako kapag mayro’ng bagabag,
Iyong tinutugon ang aking pagtawag.



(Kanan) Sa sinumang Diyos wala kang kawangis,
Sa iyong gawai’y walang makaparis.



(Kaliwa) Ang lahat ng bansa na iyong nilalang,
Lalapit sa iyo’t magbibigay galang;
Sila’y magpupuri sa iyong pangalan.



(Kanan) Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila
Na anumang gawin ay kahanga-hanga!



(Kaliwa) Ang kalooban mo’y ituro sa akin,
At tapat ang puso ko na ito’y susundin;
Turuang maglingkod nang buong taimtim.



(Kanan) O Panginoong Diyos, buong puso’y laan,
Pupurihin kita magpakailanman
At ihahayag ko, iyong kadakilaan.



(Kaliwa) O pagkadakila! Pag-ibig moing wagas,
Dahil sa pag-ibig ako’y iniligtas;
Di hinayaang  sa daidig ng mga patay,
Ako ay masadlak.



(Kanan) May mga taong ayaw kang kilanlin,
Taong mararahas na ang adhikain
Ay labanan ako’t ang buhay ay kitlin.



(Kaliwa) Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait,
Wagas ang pag-ibig, di madaling magalit,
Lubhang mahabagi’t banayad magalit.



(Kanan) Pansinin mo ako, iyong kahabagan,
Iligtas mo ako’t bigyang kalakasan,
Pagkat ako’y lingkod mo rin
Tulad ng aking nanay.



(Kaliwa)Pagtulong sa aki’y iyong patunayan,
Upang mapahiya ang aking kaaway,
Kung makita nilang mayroong katibayan
Na ako’y inaliw mo at tinulungan!



(Kanan) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kaliwa) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 2:  (Lahat) O Panginoon, ako’y iyong kalingain,
Sa iyong pag-ibig, ako’y iyong dinggin.



MANATILI PONG NAKAUPO.



Unang Araw: KAPAYAPAAN: Sandali ng Paglikha



Pagbasa sa aklat ng Genesis (Gen. 1: 1-4).



Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;
Ang lupa ay walang hugis o anyo.
Dilim ang bumabalot sa kalaliman
at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!”
At nagkaroon nga.
Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan.



Ang salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.



MAGSILUHOD PO TAYO.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Bigyan mo kami nang kamalayan
sa mga magkakasanib-pwersa ng hidwaan
na nagbabanta ng malawakang pagkawasak
ng aming mundo sa kasalukuyan.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Nagbibigay hugis o anyo
sa aming mundo... sa aming buhay...
Kapayapaan...
Pumapawi sa kadiliman at pangamba...
sa poot at paghihiganti...
Kapayapaan...
Liwanag... isang bagong araw...
isang bagong hamon...
Kapayapaan...
Bagong sangnilikha... isang bagong buhay...
ganap at kasiya-siya”.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Ina ng Diyos... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ni Kristo... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Puspos ng Biyaya ng Diyos... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Kalinislinisan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Walang Kamalay-malay sa Kasalanan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Kasakdal-sakdalan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Walang Bahid ng Kasalanan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Ipinanaglihing Walang Kasalanan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat
Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ikalawang Araw: KAPAYAPAAN: Pag-ibig na Walang Hangganan



MAGSITAYO PO ANG LAHAT.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn.10: 14-16)



Ako ang Mabuting Pastol.
Kung paanong kilala ako ng Ama at siya’y kilala ko,
gayun din naman, kilala ko ang aking mga tupa,
at ako nama’y kilala nila.
At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.
Mayroon akong iba pang mga tupa
na wala pa sa kulungang ito.
Kinakailangang  sila’y ipasok ko rin
at pakikinggan naman nila ang aking tinig.
Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan
at isa ang pastol.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo



MAGSILUHOD PO ANG LAHAT



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Sa gitna ng paglalaban-laban at digmaan,
ituro mo sa amin ang pagdadamayan.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Paggalang at pagtanggap
sa pagkakaiba-iba ng bawat isa...
Kapayapaan...
Pagdadamayan... pagtutulungan...
pag-aalay ng buhay kung kinakailangan...
Kapayapaan...
Pakikinig sa tinig ng kabutihan at katarungan...
para sa lahat at hindi sa iilan lamang...
Kapayapaan...
Pag-ibig na walang hangganan...
pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba...
         “Isang Kawan... Isang Pastol...”



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Inang Kaibig-ibig... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Inang Kahanga-hanga... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Laging Saklolo... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Mabuting Kahatulan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Maylikha... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Mananakop... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Ina ng Banal na Simbahan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ikatlong Araw: KAPAYAPAAN: Pagtitiwala sa Diyos, Hindi sa Kayamanan



MAGSITAYO PO ANG LAHAT.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas (Lc. 12: 13-15)
Sinabi kay Hesus ng isa sa mga naroroon,
Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong
ibigay sa akin ang bahagi ko sa aking mana.”
Sumagot siya,
Sino ang naglagay sa akin bilang
hukom o tagapaghati ng mana ninyo?”
At sinabi niya sa kanilang lahat,
Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman;
sapagkat ang buhay ng tao
ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo



MAGSILUHOD PO ANG LAHAT.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Sa gitna ng kasaganaan, ituro mo sa amin ang pagbibigay.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Sa kayamanan,
walang katiyakan ang buhay...



Mag-ingat kayo
sa lahat ng uri ng kasakiman;
sapagkat ang buhay ng tao ay wala
sa dami ng kanyang kayamanan.”



Ang kasakiman,
ay kalaban ng Kapayapaan...
KAPAYAPAAN...
Pagtitiwala sa Diyos...
hindi sa Kayamanan!
Panginoon,
kanino po kami pupunta?
Nasa inyo ang mga salitang
nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Birhen ng mga Birhen... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Kagalang-galang... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Dapat Igalang... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Pinakadakila... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Makapangyarihan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Maawain... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Birheng Matapat... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-apat na Araw: KAPAYAPAAN: Buhay na Pananampalataya!



MAGSITAYO PO ANG LAHAT.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas (Lc. 21: 1-4).



Pinagmamasdan ni Hesus ang mayayamang  
may dalang mga handog sa templo.
Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda
na naghulog ng dalawang kusing.
Sinabi niya sa mga alagad,
Ang inihandog ng mahirap na biyudang iyon
ay higit pa sa inihandog nilang lahat.
Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng labis na sa kanila,
ngunit ang kanyang ibinigay
ay ang buo niyang ikabubuhay.”



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo



MAGSILUHOD PO ANG LAHAT.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Sa gitna ng karalitaan,
magkaroon po sana ng marangal na pamumuhay
at patuloy na pagsusumikap
para sa makatarungang pamamahala.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Marangal na pamumuhay
sa kabila ng karalitaan...
Kapayapaan...
Taos-pusong pagbibigay...
walang takot... walang kayabangan...
Kapayapaan...
Buhay ng isang tunay na dukha...
tapat...  totoo...  mapagkakatiwalaan!
Kapayapaan...
Buhay na Pananampalataya...
malaya... puno ng pag-asa!



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Salamin ng Katuwiran... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Luklukan ng Karunungan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Sanhi ng Tuwa Namin... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Sisidlan ng Kabanalan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Sisidlan ng Bunyi at Bantog... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Natatanging Sisidlan ng Katapatan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-limang Araw: KAPAYAPAAN: May Kababaang-loob na Paglilingkod.



MAGSITAYO PO ANG LAHAT.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mt. 20: 25-28).



Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:
Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil
ang naghahari sa kanila,
at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.
Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo.
Kung nais ninyong maging dakila,
dapat kayong maging lingkod ng iba,
at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una,
siya ay dapat maging alipin ninyo.
Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito,
hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod
at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo.



MAGSILUHOD PO ANG LAHAT.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Kung mangingibabaw ang pagkamakasarili,
ituro mo po sa amin ang kababaang-loob na paglilingkod.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Ito’y kapangyarihan...
ito’y kadakilaan...
Kapangyarihan... Kadakilaan...
Para kay Hesus...
ito’y Paglilingkod...
Nais mong maging dakila, maging lingkod ka...
nais mong maging una, maging alipin ka”



Kapayapaan...
Kapangyarihang “maglingkod...
hindi paglingkuran...”
Kapayapaan...
Kababaang-loob na Paglilingkod...
pag-aalay ng buhay sa ikatutubos ng marami”.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Kaaya-ayang Rosa... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Tore ni David... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Toreng Garing... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Bahay na Ginto... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Kaban ng Tipan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Pinto ng Langit... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Talang Maliwanag... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-anim na Araw: KAPAYAPAAN: Katarungan... Pagpapatawad.



MANATILI PO TAYONG NAKAUPO.



Pagbasa sa aklat ng Genesis (Gen. 4: 3-12).



Dumating ang sandali na si Cain at Abel
ay nagdala ng kani-kanilang handog kay Yahweh.
Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog,
ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito.
Hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.
Sinabi ni Yahweh, “Anong ikinagagalit mo, Cain?
Kung mabuti ang ginawa mo, dapat kang magsaya.
Kung masama naman,
ang kasalana’y tulad ng mabangis na hayop
na laging nag-aabang upang lapain ka.
Nais nitong pagharian ka.
Kaya’t kailangang mapaglabanan mo ito...”
Ngunit isang araw, pagdating nila sa bukid,
pinatay ni Cain si Abel.
Tinanong ni Yahweh si Cain,
Nasaan ang kapatid mong si Abel?”
Sumagot si Cain, “Hindi ko alam.
Bakit, ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?”
At sinabi ni Yahweh, “Cain, ano itong ginawa mo?
Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo
ng iyong kapatid at humihingi ng katarungan.
Mula ngayon, di mo na maaaring bungkalin ang lupa...
Bungkalin mo man ang lupa upang tamnan,
hindi ka mag-aani...”
Ang salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.



MAGSILUHOD PO TAYO.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Kung maghahari ang kawalan ng katarungan,
magkaroon nawa ng tunay na pagbabalik-loob.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Pinapatay ng matinding galit...
at ng pagka-inggit...
Cain, nasaan ang kapatid mong si Abel?”
tanong ng Panginoon.
Hindi ko alam.
Bakit, ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?”
sagot ni Cain.



Kapayapaan...
Katarungan ang hinihingi...
pagbabalik-loob ang isinisigaw!
Kapayapaan...
Muling mabubuhay... at mananatili...
sa aking pagyakap sa katotohanang ito:
hindi lamang ako tagapag-alaga...
kundi kapatid ako ng aking kapatid!



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Mapagpagaling sa mga Maysakit... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Tanggulan ng mga Makasalanan... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Mapag-aliw sa mga Nagdadalamhati... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-pitong Araw: KAPAYAPAAN: Pag-asa sa Mabuting Balita.



MAGSITAYO PO TAYO.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 6: 65-69).



Idinugtong pa niya,
Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo
na walang makalalapit sa akin
malibang loobin ng Ama.”
Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad
ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang labingdalawa,
Ibig din ba ninyong umalis?”
Sumagot si Simon Pedro,
Panginoon, kanino po kami pupunta?
Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay
ng buhay na walang hanggan.
Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak namin
na kayo ang Banal ng Diyos.”



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo.



MAGSILUHOD PO TAYO.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Sa aming pagkaligalig at pag-aalinlangan,
magkaroon po sana kami ng pag-asa
sa Mabuting Balita.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Ang nag-iisang salitang binigkas ng Ama...
H E S U S ! ! !
Kapayapaan...
Ang Salita ng Diyos...
ang Mabuting Balita...
Kapayapaan...
Ang Banal ng Diyos...
aming Kapayapaan...
aming Pag-asa...
Kapayapaan...
Buhay na Walang Hanggan!
Ang Kaharianng ng Diyos!



(Ilang sandali ng kapayapaan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Anghel... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Patriarka... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Propeta... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Apostol... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat
Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-walong Araw: KAPAYAPAAN: Pagkakaisang Mula sa Banal na Santatlo.



MANATILI PO TAYONG NAKAUPO.



Pagbasa sa aklat ni Propeta Isaias (Is. 11: 6-9).



Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,
mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,
at ang mag-aalaga sa kanila’y isang batang paslit.
Ang baka at ang oso’y magkasamang manginginain,
ang mga anak nila’y mahihigang magkakatabi,
ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas,
hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa
isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
Walang mananakit o mamiminsala
sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala;
sapagkat ang buong mundo ay mapupuno
ng mga taong kumikilala kay Yahweh,
kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
Ang salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.



MAGSILUHOD PO TAYO.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng tibay at lakas ng loob
na mabigyang-buhay ang kapangyarihang taglay
ng kabutihan, katarungan, pagmamahalan at kapayapaan.
Kung saan may pagkakahati-hati,
nawa’y maging daan kami
ng pagkakaisa at pagbubuo.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Ama, maging ISA nawa silang lahat.
Kung paanong Ikaw ay nasa Akin,
at Ako’y nasa Iyo, gayun din naman,
maging ISA nawa sila sa atin...
Ibinigay Ko na sa kanila
ang karangalang ibinigay Mo sa akin
upang sila’y ganap na maging ISA,
tulad  Mo at Ako na IISA.”



Kapayapaan...
Ang kaganapan mo’y
nasa Pagkakaisang mula
Sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo...
ang Banal na Santatlo.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Martir... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Kumpesor... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng mga Birhen... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng lahat ng mga Santo... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.



O PAGBABASBAS (kung Pari ang namuno).



Pangwakas na Awit



Ika-siyam na Araw: KAPAYAPAAN: Isang Handog... Isang Misyon.



MAGSITAYO PO TAYO.



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Jn. 20: 19-22).
Kinagabihan ng araw ng Linggo,
ang mga alagad ay nagkakatipon.
Nakasara ang mga pinto ng bahay
na kanilang pinagtitipunan
dahil sa takot nila sa mga Judio.
Dumating si Hesus at tumayo
sa kalagitnaan nila.
Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.
Pagkasabi nito, ipinakita niya
ang kanyang mga kamay
at ang kanyang tagiliran.
Nang makita nila ang Panginoon,
tuwang-tuwa ang mga alagad.
Sinabi na naman ni Hesus,
Sumainyo ang Kapayapaan!
Kung paanong sinugo ako ng Ama,
isinusugo ko kayo.”
Pagkatapos sila’y hiningahan niya at sinabi,
Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”



Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin, O Panginoong Hesukristo.



MAGSILUHOD PO TAYO.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Nilay-dalangin



Lahat:
Panginoong Hesus,
sa aming pangangailangan, kami ay lumalapit sa iyo.
Pagkalooban mo kami ng biyaya
na maitaguyod namin ang Iyong Kaharian,
kumalinga sa halip na kalingain,
maglingkod sa halip na paglingkuran;
huwag maghangad ng karangyaan
sa halip ay manalig sa Iyong Pagmamahal.



(Ilang sandali ng katahimikan)



Pari:
Kapayapaan...
Isang handog...
isang Misyon...



Sumainyo ang Kapayapaan!
Kung paanong sinugo Ako ng Ama,
isinusugo ko kayo.”



Kapayapaan...
Tagumpay ng...
Panginoong Muling Nabuhay...



Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”



(Ilang sandali ng katahimikan)



Lahat:
Turuan mo kaming maging tulad mo.
Sa ganitong paraan lamang namin matatagpuan
ang nagpapagaling na bukal ng buhay
na magbibigay daan sa pagsilang
ng isang bagong sangnilikha
at ng bagong pag-asa sa aming mundo. Amen.



(Tahimik nating idulog sa Panginoon ang ating mga kahilingan)



Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon kaawan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami... Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami... Panginoon, kaawaan mo kami.
Santa Maria, Reynang Ipinaglihing Walang Salang Orihinal... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reynang Iniakyat sa Langit... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Mag-anak... Ipanalangin mo kami.
Santa Maria, Reyna ng Kapayapaan... Ipanalangin mo kami.



Magnificat



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



(Kanan) Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at ang aking espiritu’y nagagalak
sa Diyos na aking Tagapagligtas.



(Kaliwa) Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;



(Kanan) Dahil sa mga dakilang bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya’y banal.



(Kaliwa) Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.



(Kanan) Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.



(Kaliwa) Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.



(Kanan) Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayaman.



(Kaliwa) Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.



(Kanan) Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!



(Kaliwa) Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
(Kanan) Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.



Ant. 3: (Lahat) Gumawa sa akin ng mga dakilang bagay ang Makapangyarihan,
Banal ang kanyang pangalan.



LET  THERE BE PEACE ON EARTH



Let there be peace on earth
and let it begin with me.
Let there be peace on earth
the peace that was meant to be.



With God as our Father
brothers all are we.
Let me walk with my brothers
in perfect harmony.
Let peace begin with me.
Let this be the moment now.
With every step I take
let this be my solemn vow:



To take each moment
and live each moment in peace eternally.
Let there be peace on earth
and let it begin with me.








Share:

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Sitemap