SAYAW-KULAY FESTIVAL
(A Dance Festival of Peace)
"Si David, at ang buong bayan ng Israel, ay sumasayaw sa galak.
Sila'y umaawit sa saliw ng mga alpa, kudyapi, pandireta, kastanwelas at pompyang...
'Ginwa ko iyon sa harapan ni Yahweh dahil sa laki ng kagalakan.
Patuloy akong magsasayaw upang parangalan si Yahweh'." (2 Samuel 6:5; 21)
Ang Musika - mga tugtugin at awitin -
ay kasing tanda ng kasaysayan ng tao.
Ito ay napakahalagang bahagi ng buhay pagsamba.
Ito ay may kakayahang iugnay ang mga titik sa teksto ngliturhiya at maging mabisang pamamaraan sa pagpapahayag sa kabuuan at akmang kilos-pagsamba.
Gayon din naman ang mga Sayaw o Makasining na Pagkilos na akma sa tunog ng musika.
Ang mga ito ay epektibong pamamaraan sa isang masigla at aktibong pakikiisa sa pagsamba ng nagtitipong mananampalataya.
May matandang kaugalian sa kulturang Hudyo-Kristiyano na iugnay ang banal sa maganda.
Ang tradisyong ito ay nagpapahayag ng katotohanang sa Diyos lamang dapat iukol ang mga pinakamagandang likhang sining na maaaring malikha ng tao.
Ito rin ay nagpapahayag ng katotohanan na ang Diyos, sa kabila ng kanyang pinakadakilang kabutihan at wagas na katotohanan, Siya rin naman ay itinutuirng na kagandahang walang kapantay.
Sa liwanang ng katotohanang ito, marapat lamang na ang tao ay mag-alay ng pinakamagandang tugtugin, awitin at mga sayaw na nagpapahayag ng kanyang wagas at dalisay na pagsamba sa Diyos na kanyang sinasampalatayaan at angkop sa paglalarawan ng kagandahan ng Diyos.
Ito ang masusumpungan natin sa Aklat ng Lumang Tipan, sa ika-2 Aklat ni Samuel, na ginawa ni haring David bilang pagsamba kay Yahweh sa Kaban ng Tipan na kumakatawan sa luklukan ng Diyos na Makapangyarihan sa Lahat.
"Tumawag si David ng mga piling lalaki ng Israel, may tatlumpung libong lahat.
Pinangunahan niya ang buong hukbo upang kunin ang Kaban ng Tipan na kumakatawan sa luklukan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Inilulan nila ito sa isang bagong karosa na kaagapay ang dalawang anak nito na sina Usa at Ahiyo.
Si Ahiyo ay nauna ng paglakad sa Kaban.
Si David, at ang buong bayan ng Israel, ay sumasayaw sa galak.
Sila'y umaawit sa saliw ng mga alpa, kudyapi, pandireta, kastanwelas at pompyang.
Hindi pa man nakakalayo ang mga may dala ng kaban, pinahinto nila si David at naghandog sila ng isang toro at isang pinatabang tupa.
Isinuot ni David ang isang linong damit at nagsayaw sa harapan ni Yahweh.
Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta."
Ipinahayag ni David:
"Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh dahil sa laki ng kagalakan.
Patuloy akong magsasayaw upang parangalan si Yahweh."
Hindi ba't ganito rin ang ginagawa ng maraming bayan at lungsod sa ibat-ibang bahagi ng bansa tuwing sasapit ang kanilang kapistahan.
Ang Cavite ay may tinatawag na Caracol,
Ang Iloilo ay Dinagyan.
Ang Marinduque ay Moriones,
Ang Aklan ay Ati-Atihan,
Ang Cebu ay Sinulog,
Ang Maynila ay Buling-buling,
At dito sa DAMBANA NG EDSA ay
"SAYAW-KULAY".
Ito ay hindi isang palabas o pagtatanghal lamang.
Ito ay isang Alay-Pagsamba... Pag-aalaala... Pagpapayahag... Pagdiriwang...
sa Diyos ng Kasaysayan at Buhay sa isang makulay na yugto ng ating buhay bilang isang Bansa at isang Simbahan.
SAYAW-KULAY FESTIVAL
By: Rev. Fr. Lari Abaco
0 comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.