Wednesday, August 24, 2016

Prayer of Pope Francis for the Year of Mercy

,

Lord Jesus Christ,
you have taught us to be merciful like the heavenly Father,
and have told us that whoever sees you sees Him.
Show us your face and we will be saved.
Your loving gaze freed Zacchaeus and Matthew from being enslaved by money;
the adulteress and Magdalene from seeking happiness only in created things;
made Peter weep after his betrayal,
and assured Paradise to the repentant thief.
Let us hear, as if addressed to each one of us,
the words that you spoke to the Samaritan woman:
“If you knew the gift of God!”

You are the visible face of the invisible Father,
of the God who manifests his power above all by forgiveness and mercy:
let the Church be your visible face in the world, its Lord risen and glorified.
You willed that your ministers would also be clothed in weakness
in order that they may feel compassion for those in ignorance and error:
let everyone who approaches them feel sought after, loved, and forgiven by God.

Send your Spirit and consecrate every one of us with its anointing,
so that the Jubilee of Mercy may be a year of grace from the Lord,
and your Church, with renewed enthusiasm, may bring good news to the poor,
proclaim liberty to captives and the oppressed,
and restore sight to the blind. 

We ask this of you, Lord Jesus,
through the intercession of Mary, Mother ofMercy;
you who live and reign
with the Father and the Holy Spirit
for ever andever.
Amen.


PANALANGIN NI PAPA FRANCISCO PARA SA HUBILEYO NG AWA

Panginoong Hesukristo,
tinuruan mo kaming maging maawain tulad ng Ama sa langit,
at winika na sinumang nakakikita sa iyo ay nakakikita rin sa Kanya.
Ipakita mo sa amin ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
Ang iyong masintahing pagtingin
ang nagpalaya kay Zakeo at Mateo sa pagkagumon sa salapi;
sa babaeng nangangalunya
at kay Magdalena sa paghahangad ng ligaya sa mga bagay na makalupa lamang;
ang nagpatangis kay Pedro matapos ng kanyang pagkakanulo,
at nagdala ng pangako ng Paraiso sa magnanakaw na nagsisi.
Itulot mong marinig rin namin, na tila ba sinasabi mo sa amin, ang mga salitang binigkas mo sa babaeng Samaritana,
"Kung batid mo lamang ang kaloob ng Diyos!"

Ikaw ang hayag na mukha ng Amang hindi nakikita,
ng Diyos na nagpapamalas ng kanyang kapangyarihan,
higit sa lahat, sa pagpapatawad at habag,
itulot mong ang iyong Simbahan ay maging hayag na mukha mo sa daigdig na Ikaw ang Panginoong Muling Nabuhay at Niluwalhati,
Niloob mong ang iyong mga tagapaglingkod ay mabalot rin ng kahinaan
upang magdalang-habag sa mga mangmang at nagkakamali,
nawa ang lahat ng lalapit sa kanila ay madama ang pagsuyo, pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos.

Isugo mo ang iyong Espiritu at italaga ang bawat isa sa amin
sa pagpapadaloy ng langis ng paghirang
upang ang Hubileyo ng Awa
ay maging isang taon ng biyaya mula sa Panginoon
at ang iyong Simbahan ay makapaghatid ng mabuting balita sa mahihirap
nang may bagong sigla,
magpahayag ng paglaya sa mga bihag at inaapi,
at magpanumbalik ng paningin sa mga bulag.

Hinihiling namin ito sa iyo, Panginoong Hesus,
sa tulong ng panalangin ni Maria, Ina ng Awa,
Ikaw na nabubuhay at naghahari
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.
Amen.
Share:

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Sitemap